Oct 1, 2011

Trip ng blogger



Nabasa ko kanina ang second entry ko dito sa Pensieve at natawa ako sa mga pinagsasabi ko kaya ito ako ngayon nagtatagalog. Trip ko lang subukan uli magkwento na ala Francisco Baltazar. Lol. Not even close? Ala Bob Ong nalang.. Malayo pa din? Bilang si myr_ah na nga lang! Haha.

Noong umpisahan ko ang blog na 'to dalawang taon at apat na buwan na ang nakalipas, ang ilan sa mga naunang entries ko dito ay nakasulat sa salitang Filipino/Tagalog. Yon naman talaga ang plano eh, na Taglish ang medium ko dito. Hindi ko lang alam kung bakit napa-Engols ako bigla sa isang post ko at yon nagtuloy-tuloy na.

Wait.. kapeng mainit.. Alam ko na kung bakit spokening dollars ako dito. Kasi nga diba ang mga pinagsasabi at pinagsi-share ko dito ay tungkol sa mga ka-adikan ko sa mundo. Mostly tungkol sa Korean at Asian dramas, Hollywood movies, mga libro ng kung sino-sinong author at lately tungkol sa Dong Bang Shin Ki a.k.a. TVXQ + JYJ.

Napakaweird naman kung magtatagalog ako habang nagsusulat ng mga ka ek-ekan ko sa Harry Potter at Twilight. Pano kung may mapadpad na kalahi ni James Bond o ni Brad Pitt dito sa blog ko? Eh di wala na silang naintindihan. (feelingera na may napapadpad ditong Kano at Briton noh?haha.)

Nakakapanindig balahibo naman kung sa isang post ko sasabihin kong "Oh juice ko pong araw! Na-a-adik ako sa pwet-ng-pato ni Junsu!" (Oh my god sun! I'm addicted to Junsu's duck butt!) Anak ka ng tokwa! Nagmumukha akong ewan. T.T

Mas mabuti nga naman na mag-English nalang ako diba? Okay lang kahit may katabing dictionary ako palagi kapag nagsusulat ng blog. Nosebleed na kung nosebleed, ang importante reader-friendly ang blog ko. Naks! Haha.

Nasanay na din naman ako. Naging komportable na nga akong umenglis ngayon eh. (Weh? Di nga?) Akalain mo yon! Tunog stateside ang site na 'to sa halos dalawang taon na pagkakalat ko dito. Hahaha!

Maraming salamat sa mga inspirasyon ko! Ang dami kong natututunan sa simpleng pagsusulat lang ng mga walang kwentang bagay na ako lang ang natutuwa. Pero para sa akin isang achievement na yon. Bahala na si Jumong kung saan man dalhin ng kapalaran ang mga engols ko dito. Haha.

It's the thought that counts... always. ^^,)v



2 comments:

  1. "Oh juice ko pong araw! Na-a-adik ako sa pwet-ng-pato ni Junsu!"
    ahahaha! lol!
    nga nman, my point! hahaha!

    ReplyDelete
  2. (^_^)v ang sagwa diba???!

    ReplyDelete